Hinimok ng Israeli Embassy in Manila ang mga kaalyadong bansa na suportahan ang Israel at kondenahin ang mga pag-atake nito.
Inihayag ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na ang massive terror attacks ay nagdulot ng mahigit 250 Israeli casualties, mahigit 1,600 naman ang nagtamo ng mga sugat, at mahigit sa 100 Israelis ang dinukot at binihag bilang mga hostage sa Gaza.
Nilinaw ni Israeli Ambassador Fluss na habang may mga ulat ng mga dayuhang kinidnap, hindi pa malinaw kung mayroong mga Pilipinong sangkot.
Aniya, sinasalakay pa rin ang Israel. Mayroong mga terorista at ang mga terorista ay kumikilos pa rin sa katimugang bahagi ng Israel.
Ang Israeli Defense Forces aniya ay patuloy pa rin na nakikipaglaban at sinusubukang kontrolin ang sitwasyon.
Giit pa ni Fluss, ang Israeli Defense Forces ay kailangang tumugon sa mga pag-atake, na nagpasimula ng isang malakihang operasyon.
Binanggit pa nito, na ang Israel ay may ganap na karapatan na tumugon at protektahan ang sarili.
Responsibilidad din aniya ng naturang pamahalaan na bigyan ng kaligtasan at matiyak ang mga mamamayan at dayuhan na naninirahan sa Israel.