-- Advertisements --
Pinagbabayad ng korte sa Israel ang kilalang model at actress na sir Bar Refaeli dahil sa kasong four counts of tax offense.
Ang nasabing paghatol ay kasunod ng pag-amin ng 35-anyos na model at ina nito na hindi sila nagbayad ng buwis na aabot sa halos $10-million.
Sa nakasaad na plea bargain na kanilang pinirmahan, magsisilbi ng siyam na buwang community service si Refaeli habang makukulong naman ng 16 na buwan ang ina nito.
PInagbabayad ng korte ang mga ito ng $1.5 million na mula bukod pa sa back taxes na mula sa estado.