-- Advertisements --
Naghain ng not guilty plea si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
May kaugnayan ito sa kasong bribery at tatlong kaso na fraud at breach of trust.
Ito na ang pangalawang pagdalo ni Netanyahu sa korte mula ng simulan noong Mayo ang pagdinig ng kaso nito.
Inaakusahan kasi si Netanyahu sa pagbibigay pabor sa telecommunications company na pag-aari ng kaibigan niya.
Pinag-usapan din sa session sa korte ang pagpapabilis ng pagdinig sa kaso ni Netanyahu lalo na at nalalapit na ang general election sa buwan ng Marso.
Napuno naman ng mga kritiko nito ang labas ng korte habang kakaunti lamang ang mga supporters nito matapos na sabihan niya ang mga ito na manatili sa kanilang bahay dahil sa coronavirus pandemic.