-- Advertisements --

Handang maging unang tao sa kanilang bansa na magpaturok ng COVID-19 vaccine si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ito ay matapos ang pagdating ng unang shipment ng bakuna mula sa kumpanyang Pfizer/BioNTech sa Israel.

Ayon kay Netanyahu na nais niyang maging isang ehemplo sa kaniyang mga kababayan.

Patuloy pa rin ang pagbabala nito sa kaniyang mamamayan na hindi pa tapos ang pandemya at dapat sundin pa rin ang social distance at pagsusuot ng face mask.