-- Advertisements --

Nagbawas ang Israel ng mga sundalong nakatalaga sa Gaza.

Isa sa mga lugar kung saan umalis na ang mga sundalo ay sa Khan Younis isa sa pangunahing lugar na inatake nila noong matapos ang anim na buwan.

Nakaabang na lamang ang mga sundalong umalis sa border ng Gaza at Israel.

Matapos ang anim na buwan na labanan ay nasa 33,175 katao na ang nasawi habang mayroong 75,886 katao ang sugatan.

Magsasagawa rin ng pulong ang mga representatives ng Israel at Hamas sa Egypt para isulong ang tigil putukan.

Magugunitang isinusulong ng maraming bansa ang tigil putukan at ang pagpapakawala ng mga bihag ng Hamas.