Nagbanta si Israeli war cabinet member Benny Gantz na maglulunsad ito ng pag-atake sa Rafah kapag hindi pinakawalan ng Hamas ang bihag nito hanggang ika-10 ng Marso.
Ang Rafah ay parte ng Southern Gaza na naging takbuhan ng mga residente upang makaiwas sa sentro ng digmaan. Tinatayang lagpas isang milyon na ang lumikas dito.
Ayon kay Gantz, dapat umanong malaman ng mundo lalong-lalo na ng Hamas leaders na kapag hindi pa nakauwi ang mga Israeli hostage sa araw ng Ramdan ay patuloy umano ang digmaan kabilang na sa Rafah.
Dagdag pa nito, makikipagtulungan umano sila sa American at Egyptian partners sa paglikas ng mga sibilyan upang mabawasan ang mga residenteng madadamay.
Sa pagtataya ng Israel, nasa 130 na hostages pa ang hawak ng Hamas.
Sa huling ulat, 28,400 na Palestinian na ang nasawi sa digmaan na karamihan ay babae at mga bata. 68,000 naman ang naiulat na nasugatan.