-- Advertisements --
Naglabas ang Israel Defense Forces (IDF) ng mga video na sinasabing kinunan noong Sabado, Oktubre 14 ng kanilang pambobomba sa mga target sa Gaza.
Sinabi ng IDF na napatay nila ang mga mandirigma ng Hamas sa isang tunel sa Gaza Strip at iba pang mga target, kabilang ang mga command center sa Jabaliya, Zaytun, Al-Furqan, at Beit Hanoun.
Umabot na sa 2,383 Palestinians ang namatay sa Gaza Strip at West Bank at 10,814 ang nasugatan noong Linggo ng umaga (Oktubre 15), ayon sa Palestinian health ministry sources.
Sa Gaza, umakyat sa 2,329 Palestinians ang namatay at 9,714 ang nasugatan, habang sa West Bank, 54 ang naitalang patay at 1,100 ang sugatan mula nang magsimula ang labanan sa pagitan ng Hamas at Israel noong Oktubre 7.