-- Advertisements --
Magpapadala ang Israel ng kanilang interagency team sa Washington para pag-usapan ang pagpigil sa atake sa Rafah.
Ayon kay White House national security adviser Jake Sullivan na nagpasya si Israeil Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpadala ng team ng Israeli officials sa Washington.
Pakay ng nasabing koponan ang paraan nila sa paglusob sa Rafah city sa Gaza.
Magugunitang nagmatigas si Netanyahu na ituloy ang ground operation sa Rafah kahit na ito ay kinokontra ng maraming bansa dahil sa madadamay ang nasa 2.4 milyon na mga Palestino na doon na lumikas dahil sa kaguluhan.