
Kinikilala at pinahahalagahan ng israel ang naging desisyon ng Pilipinas na mag-abstain mula sa pagboto sa pro-Pelstine resolution ng United Nation General Assembly noong nakaraang linggo para sa ceasefire sa Gaza.
Ayon kay Israeli Ambassador to the PH Ilan Fluss, maraming hindi naisama na mahahalagang prinsipyo sa Pilipinas at Israel sa resolution na nananawagan para sa tigil putukan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Ipinunto pa ng opisyal na naipaliwanag ng panig ng Pilipinas na hindi nabanggit ang terror attack ng Hamas sa israel na humantong sa pagpapasya ng Israel na gumanti sa pag-atake ng Hamas sa kanilang mamamayan na siyang dahilan kaya nag-abstain ang PH.
Ilan aniya ito sa pangunahing mga elemento na dapat isinama sa resolution. Hindi din aniya nabanggit ang mga bihag na para sa Israel ay sobrang mahalaga at mayorya aniya ng nakapaloob sa resolution ay pangkalahatang pro-Palestinian at nakakasira sa interes ng Israel.
Ayon sa Israel, nasa 1, 4000 Israelis ang namatay sa pag-atake ng Hamas kabilang ang 4 na Pilipino at iba pang mga dayuhan.
Ayon naman sa Gaza Health Ministry na kontrolado ng Hamas, ang death toll sa panig ng Palestinians ay lagpas nasa 8,000 kasabay ng pagabanse ng mga tangke at mga sundalo ng israel sa tinawag ni Israeli PM Benjamin Netanyahu na ikalawang yugto ng giyera.










