Binatikos ng Israel ang South Africa matapos na sampahan sila ng genocide sa International Criminal Court dahil sa ginawang pag-atake sa Gaza.
Sa pagharap ni Israeli lawyer Tal Becker sa ICC sa the Netherlands, sinabi nito na hindi alam ng South Africa ang totoong nangyayari.
Ang ginagawa lamang nilang pag-atake sa mga Hamas sa Gaza ay pagtatanggol sa kanilang sarili dahil sa unang umatake ang Hamas noong Oktubre 7 sa Israel.
Magugunitang sa unang araw ng pagdinig sa ICC ay iginiit ng South Africa na ang ginagawa ng Israel na pag-atake sa Gaza laban sa mga Hamas ay isang uri ng genocide dahil maraming mga Palestino na ang nadadamay.
Hinikayat din ng South Africa ang United Nations na sabihan ang Israel na tigilan na nito ang pag-atake sa mga Hamas militants.