Nagsagawa ng kauna-unahang diplomatic talks ang Lebanon at Israel para tuluyan ng matapos ang kaguluhan.
Ang nasabing pag-uusap ay siyang unang pagkakataon matapos ang mahigit tatlong dekada na isinagawa sa Washington.
Pinangunahan ni US Secretary of State Marco Rubio na tumayo bilang mediator ng nasabing pag-uusap.
Ayon kay Rubio na nagkasundo ang dalawang panig na maglunsad ng negosasyon.
Nais din ng Israel na tuluyang disarmihin ang lahat ng mga non-state terror groups gaya ng Hezbollah.
Nanawagan din ang Lebanon ng Ceasefire bilang hakbang para tugunan ang humanitarian ciris.
Huling nagsagawa ng high-level talks ang Lebanon at Israel ay noong 1993.
Mahigit 2,000 katao ang nasawi sa isingawang military operations ng Israel mula pa noong Marso 2.
















