Inanunsyo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na saklaw na ng Philippine deposit insurance system ang mga Islamic banks (IBs) at Islamic banking units (IBUs) matapos ang pagbabago sa PDIC Charter.
Ang mga deposito sa mga ito ay may parehong proteksyon tulad ng sa mga tradisyunal na bangko, na may maximum deposit insurance coverage (MDIC) na P1 milyon bawat depositor, bawat bangko.
Noong Disyembre 2024, mayroong 12,514 Islamic deposit accounts sa sistema ng pagbabangko sa Pilipinas.
Sinabi ni PDIC President at CEO Roberto Tan na ang pagpapalawak ng insurance coverage sa Islamic deposits ay magpapalakas ng tiwala sa Islamic banking system at susuporta sa layunin ng gobyerno na palawakin ang financial inclusion.
Ang mga Islamic banks ay sumusunod sa Shari’ah Law at nag-aalok ng mga produktong pampinansyal na nakatuon sa etikal na pagpopondo, risk-sharing, at mga responsableng social practices.