-- Advertisements --

Mahigit 800 inmates ang nakatakas mula sa isang bilangguan sa eastern ng Democratic Republic of Congo matapos ang planadong pag-atake ng gunmen kung saan dalawang police ang napatay.

Ayon sa military spokesman sa Beni region na si Captain Antony Mualushayi, inatake ng armadong grupo ang Kakwangura central prison sa bayan ng Butembo kung saan may nasawi din isa mula sa armadong grupo.

Ayon sa opisyal, isang unidentified Mai-Mai group ang umatake.

Ang terminong Mai-Mai ay tumutukoy sa isang katutubong self-defense organization na isang lupon sa DR Congo.

Subalit base sa isang US-based monitor na Kivu Security Tracker (KST), ang mga nasa likod ng pag-atake ay ang Allied Democratic Forces na isang bloody militia na sinasabing regional affiliate ng Islamic State group.

Ang naturang grupo ang sinisisi sa likod ng pagpatay ng nasa libu-libong katao sa eastern DRC lalo na sa Beni area at sa pag-atake sa karatig bansa na Uganda.