-- Advertisements --
cropped Senate1 5

Nanatili pa ring malaki ang tiwala ni Senate Majority Leader  Joel Villanueva kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabila ng pag-veto nito sa ilang probisyon na nakasaad sa 2023 general Appropriation Act (GAA).

Inihayag rin ng karamihan sa mga senador ang kanilang pagsang-ayon sa naturang desisyon ng punong ehekutibo at sinabing ito ay prerogative lamang.

Matatandaang ni-reject ng Pangulo ang tatlong item na kabilang sa Php 5.268 trillion national budget at tinawag itong “inappropiate provissions” na maaring mag-amyenda sa ibang mga batas.

Kabilang sa na-veto ng pangulo ang Special provision No.1 “Use of Income” sa ilalim ng budget ng National Labor Relations Commission (NLRC) na isang quasi-judicial na ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tinanggihan din ni Marcos ang Special Provision No. 4 sa “Revolving Fund” ng DepEd TV sa ilalim ng Office of the Secretary at sinabing walang batas na nagpapahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon upang bumuo ng revolving fund.

Pumangatlo naman sa na-veto ng punong ehekutibo ang Special Provision No. 4 na “Branding Campaign Program” sa ilalim ng budget ng Department of Tourism-Office of the Secretary.

Sinabi naman ni Villanueva na hindi pa natatapos ang trabaho ng legislative branch ng pamahalaan upang masiguro na magagamit sa tamang paraan ang pambansang pondo. | Bombo Victor Llantino