-- Advertisements --

Isang Pinay ang patay, habang sampung overseas Filipino workers naman kabilang ang dalawang bata ay sugatan sa sumiklab na sunog sa isang 39 na palapag na residential building sa United Arab Emirates noong Abril 4, 2024.

Sa isang statement ay iniulat ng Department of Migrant Workers na kasalukuyan nang nagrerecover natin ang mga sugatang biktima sa isang local hotel na inorganisa naman ng Sharjah local government officials Para sa kanila.

Ayon sa ahesnya, kasalukuyan ang isinasaayos ngayon ng Migrant Workers Office-Dubai ang repatriation sa bansa ng mga labi ng Pilipinang nasawi sa naturang trahedya.

Habang ang kaniyang asawa naman na kabilang sa mga sugatan mula sa naturang insidente na na-discharge na mula sa pagamutan at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Samantala, sa ngayon ay nakausap na rin ni DMW Officee in Charge Hans Leo Cacdac ang asawa ng nasawing biktima, gayundin ang kaniyang pamilya kung saan ipinangako naman nito magpapaabot ng buong suporta ang kanilang ahensya at an pamahalaan para sa kanila.

Kung maaalala, sa ulat ng mga kinauukulan ay nagsimula ang sunog sa isang high-rise residential building sa Al Nahda na nagmitsa naman sa buhay ng limang indibidwal.