-- Advertisements --
koko pimentel 1

Nananawagan ng hiwalay na pagsisiyasat si Senate Minority Leader na si Aquilino Pimentel III sa posibleng katiwalian at iba pang mga paglabag na sinasabing ginawa ng mga opisyal ng state gaming firm na sangkot sa isang diumano’y “anomalous” na kontrata sa isang third-party na auditor.

Si Pimentel, sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 443 na inihain niya, ay nananawagan sa Senate blue ribbon committee na magsagawa ng imbestigasyon.

Sa resolusyon, binanggit ni Pimentel ang questionable credentials and credibility ng Global ComRCI na ibinunyag ng isang mambabatas sa pagdinig ng Senate committee on ways and means nitong Martes.

Ang Global ComRCI ay tinapik ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) upang suriin ang mga kita ng Philippine offshore gaming operators o POGO.

Una na rito, binanggit din ni Pimentel ang sinabi ng isang mambabatas na maaaring naloko ang Philippine Amusement and Gaming Corp nang pumasok ito sa multi-bilyong pisong halaga ng kontrata sa nasabing third-party auditor.