CAUAYAN CITY- Namatay ang isang Senior Citizen matapos mabangga ng tricycle sa purok Dos, Barangay Surcoc, Naguillian, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Junniel Perez, OIC Chief of Police ng Naguillian Police Station, sinabi nito na kagabi ay papatawid sa kalsada ang biktmang si Ginang Maria Asirit 78 anyos nang hindi nito mamalayan ang paparating na tricycle na minamaneho ni Ponciano Mactal, 55 anyos.
Papauwi na ang pinaghihnalaan sa San Mariano, Isabela ng mabangga nito ang biktima na papatawid matapos bumili sa isang tindahan.
Ayon sa pinaghihinalaan, hindi nito napansin ang biktima dahil may kadiliman sa lugar.
Agad namang tumugon ang mga kasapi ng Naguilian Police Station at Recue 101 at dinala sa pribadong ospital sa Barangay San Manuel, Naguilian at binigyan ng karampatang lunas.
Dahil sa natamong malalang sugat ay inilipat ang biktimasa Isabela Doctors General Hospital, sa Lunsod ng Ilagan subalit idineklarang dead on arrival.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng tricycle na kasalukuyang nasa pangangalaga ng pulisya.