Arestado sa isang buy-bust operation ang isang lalaking nahulihan ng libu-libong halaga ng shabu sa Valenzuela City.
Sa ulat ng pulisya, nahuli ang suspek na kinilalang si Erwin Rimonte y Sordilla o alyas Monte, 27 taong, at residente ng Doña Elena, San Roque St. Punturin sa Valenzuela City.
Nakuha ng mga otoridad mula sa suspek ang tatlong pirasong heat-sealed transparent na plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, at isang pirasong genuine five hundred peso bill, kasama ang pitong pirasong Php 1,000 na boodle money na ginamit bilang buy-bust money sa naturang operasyon.
Nasamsam din mula sa kaniya ang isang yunit ng analog Nokia cellphone na ginamit ng suspek sa kaniyang ilegal na operasyon.
Sinampahan naman ang naturang suspek ng reklamong kriminal dahil sa paglabag nito sa Section 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 sa pamamagitan ng E-Inquest Proceeding.