-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang hindi na pinangalanang biktima matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alam na habang nakahiga ang biktima sa loob ng kaniyang kwarto ng bigla na lamang dumungaw sa kaniyang bintana ang mga suspek at dito na ito pinagbabaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima na agad namang dinala sa pagamutan para sa asistensya medikal.

Samantala, agad namang tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang pamamaril patungo sa direksyon ng Candelaria-San Juan sa nasabing lalawigan bitbit ang baril na ginamit.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente lalong-lalo na ang pag-alam sa posibleng pagkakakilalan at kinaroroonan ng mga suspek.