-- Advertisements --
Hamas strikes Israel 1

Nakatakdang suriin para sa DNA ang isang bangkay upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan kung ito ay ang napaulat na Pinay overseas worker na nasawi umabo sa giyera sa katimugang bahagi ng Israel ayon kay Consul General Anton Mandap.

Nakikipag-ugnayan na ang Labor attache at welfare officer ng Embahada sa kapatid na babae ng OFW sa pagkumpirma ng naturang report kasama ang Israeli police.

Una rito, base sa update ng embahada kahapon, sinabi ng DFA na ang Pinay overseas worker ay una ng napaulat na isa sa nawawala sa pagatake sa KibbutIm.

Ayon sa DFA, kinumpirma ng embahada na isa pang nawawalang Pilipino ang na-account kayat bumaba sa anim ang bilang ng nawawalang mga Pilipino