NAGA CITY – Napasakamay na ng mga otoridad ang isa sa dalawang suspek sa likod ng pamamaril-patay sa apat na magkakamag-anak sa Brgy. Fabrica, Bula Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Ramjay Prima Galicia, 33-anyos.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Maj. Fernando Cedo, chief of police ng Bula PNP, sinabi nitong una ng nakilala ang suspek sa krimen subalit dahil hindi pa nailalabas ang warrant of arrest kung kaya hindi pa ito inaaresto.
Kaugnay nito, sinilbihan umano nila ng search warrant ang nasabing suspek upang marekober ang baril na ginamit nito ngunit mga bala na lamang aniya ang nakuha ng mga otoridad.
Narekober sa suspek ang mga bala ng baril, live ammunitions, limang sachet ng pinaniniwalang shabu at iba pang mga drug paraphernalia.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad si Galacia na nahaharap sa kasong Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 1972 at apat na bilang ng murder habang hinahanap pa ang mga iba pang mga kasamahan nito.
Kung maalala, Hulyo 30, 2019, nag-iinuman ang mga biktimang sila Nathaniel Nathaniel Patalon-an, at ang magkapatid na sila Rodelio, Chuchi at ang asawa nito retired air force na si Orlando Baladad ng pagbabarilin ng suspek at ng isa pa nitong kasamahan na naginng dahilan ng pagkamatay ng mga ito.