Inamin ng kapatid ng pinatay na broadcaster na si Percy Lapid na tumangging makipagtulungan ng ikalawang middleman na iniuugnay sa pagpatay kay Lapid noong October 3.
Una rito, ibinulgar ng Philippine National Police official ang pagkakakilanlan ng ikalawang middleman na tinukoy na si Christopher Bacoto na kasalukuyang ligtas at nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang nag-aantay ng resolution ng kaniyang kinakaharap na kaso sa iligal na droga.
Ayon kay Roy Mabasa, na isa ding journalist at kapatid ni Lapid na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga imbestigador, nananatiling tiom ang bibig ni Bacoto hinggil sa mastermind sa halip ay hinahanap nito ang kaniyang abogado.
Ayon naman sa abogado ng pamilya Mabasa na kumpiyansa sila na makakahanap ng alternatibong ebidensiya na makakapagturo sa mastermind matapos na masawi ang unang itinuturong middleman sa kwestyonableng insidente na nagkataon sa mismong araw pa ng pagsuko ng gunman na si Joel Escorial.
Umaasa ang pamilya Mabasa na sa oras na makarating na ang kaso sa korte para sa paglilitis kanilang hihilingin sa Korte na iutos kay Bacoto , ang ikalawang middleman na tumestigo at i-cite in contempt kapag tumanggi ito.
Liban pa sa kawalan ng kooperasyon mula kay Bacotom, nahihirapan din ang pulisya na makakalap ng ebidensiya partikular na ang pagkalap ng closed-circuit television footage mula sa isang mall at mula sa car dealers sa mga pinangyarihan ng krimen.