-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isa na namang estudyante ng Caraga Region ang nagbigti-patay matapos mamomroblema sa kanyang mga modules na isang 17-anyos na lalaking grade-11 student na taga-Brgy. Maon nitong lungsod ng Butuan na natagpuan na lamang na nakabitin na pasado alas-siete kagabi.

Ayon kay Kapitan Oliver Bob Vicente, ginamit ng biktima ang lubid na pantali ng manok kungsaan dinala pa sa ospital ngunit idineklarang dead-on arrival ng attending physician.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Kapitan Vicente na tahimik na bata ang biktima na nag-iisang anak pa ng mag-asawang m ay negosyong photography.

Posible umanong na-pressure ang biktima sa kanyang module na nadagdagan pa ng hindi magagandang mga posts sa social media habang may mga kapitbahay pa umanong magpapatugtog ng malakas kung kaya’t ma-iisturbo ang kanyang pag-aaral.

Sa inisyal niyang nalaman, ang problema sa modules ang palaging hinaing ng biktima na minsan ay hindi umano mabibigyan ng pansin dahil ukupado sa kanilang kabuhayan sa mga kasamahan sa bahay kung kaya’t hindi pa nakasumite ng kanyang first quarter modules ang biktima.

Dahil dito’y plano ni Kapitan Vicente nga susulat sa Department of Education (DepEd) Butuan City Division upang hihilinging gagawa ng upang may palaging komunikasyon ang mga bata at mga guro nang sa gayo’y maiiwasan maulit pa ang ganitong insidente.

Napag-alamang ito na ang pangalawang kaso sa pagbigti na naitala dito sa Caraga Region dahil sa problema sa mga modules kasunod ang isang Grade-8 na dalagitang Higaonon sa Hinatuan, Surigao del Sur.