-- Advertisements --
LAOAG CITY – Isa lamang mula sa limang indibiduwal ang nahuli mula sa iligal na nagsusugal sa Sitio Uno, Barangay 41, Balacad dito sa lungsod ng Laoag.
Una rito, nagsagawa ng operasyon ang kasapi ng Philippine National Police (PNP) matapos ang natanggap nilang impormasyon na may nagsusugal sa kanilang lugar.
Sa pagresponde ng mga otoridad ay naaktuhan nila ang limang mga suspek na naglalako ng “Pepito”.
Ganunpaman, tumakbo at nakatakas ang apat sa mga ito at ang isang nahuli ay nakilalang si “Octoberson”, isang construction worker.
Nakumpiska ng mga otoridad sa lugar ang isang set ng baraha, lamesa, upuan at 513 pesos ang mga suspek.