-- Advertisements --

Ibinunyag ng US na nagpadala ang Iran ng kanilang military trainers sa Crimea para tulungan ang Russian forces sa paggamit ng Iranian- made “Kamikaze” drones para sa pag-atake ng targets sa Ukraine.

Kinumpirma ito ni U.S. State Department spokesman Ned Price na nagpadala ang Iran ng kanilang trainer para sanayin ang Russian military personnel na nakabase sa Crimea para sa pilot ng paggamit ng Iranian unmanned aerial vehicles (UAVs) at paggamit ng mga ito sa paggawa ng kinetic strikes sa Ukraine na ginamit din umano sa isinagawang strikes sa Kyiv noong nakalipas na mga araw.

Nasa ground umano ang Iranian military personnnel sa Crimea para umasiste sa Russia sa kanilang operasyon.

Wala pa namang reaksiyon mula sa Tehran sa alegasyon ng US subalit itinanggi nito na ang drones nila ay Iranian made gayundin itinanggi rin ng Moscow ang paggamit ng drones sa Ukraine.