Iran, naglunsad ng ‘surprise attack’ sa kalabang command center sa Syria
loops; Iran surprise attack in Syria
Naglunsad ang Iran’s Revolutionary Guards Corps. ngayong Lunes, Hulyo 20 ng “surprise attack” sa kalabang US command center sa Syria, base sa ulat ng state media.
Pinunterya umano sa sorpresang pag-atake ang special operations command centre sa Al-Tanf region ng Syria.
Ganti umano ito sa dumanak na dugo ng mga martir na sundalo ng Iranshahr, isang siyudad sa southeastern Iran.
Nitong Linggo, iniulat ng isang news agency sa Iran na isinagawa ang paglilibing sa tatlong sundalong napaslang sa pag-atake ng Amerika sa isang barracks sa Iranshahr.
Nauna naman nang inanunsiyo ng Revolutionary Guards noong Biyernes na inatake nila ang Al-Tanf base, na nakontrol ng Syrian Army noong Pebrero matapos mag-withdraw ang mga tropa ng Amerika.
Subalit itinanggi ng isang source mula sa militar ng Syria na nagkaroon ng pag-atake.
















