-- Advertisements --

Ibinabala ng Iran na sila ay handa sa anumang ground attack ng US.

Kasunod ito sa banta ng US na may ilang sundalo nila ang naghahanda para sa land assault.

Inakusahan ni Iran parliament speaker Mohammad Baqer Qalibaf ang US na kunwari ay naghahangad ng pag-uusap subalit inihahanda na nito pala ang kanilang mga sundalo.

Giit nito na kahit na nananawagan ng US ng kanilang pagsuko ay hindi nila tatanggapin ito maging ang panunupil ng Estados Unidos.

Magugunitang nagsagawa ng pag-uusap ang mga kinatawan ng US at Iran para isulong ang peace plan sa pagtatapos na ng giyera.