-- Advertisements --
ink voted

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang internet voting para sa mga botanteng Pilipino sa ibang bansa sa national at local elections sa taong 2025.

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, layunin ng internet voting na maabot ang mas mataas na overseas voter turnout.

Saad pa ng opisyal na bagamat nakapagtala ng 39% overseas voting turnout sa nakalipas na halalan na itinuturing na pinakamataas sa kasaysayan ay hindi pa rin ganun karami ang personal na bumuboto kayat marahil aniya ay kailangan ng iba pang mode of voting para sa mga overseas voters.

Ang pag-apruba sa pagsasagawa ng electronic o internet voting para sa overseas Filipino voters ay alinsunod sa Section 16.11 ng Republic Act No. 9189, Section 28 ng RA 10390 at Section 23 ng RA 10390.

Sinabi din ng Comelec chairman na nakatakdang ilatag ng Comelec ang roadmap para sa electronic voting para sa mga botanteng Pilipino sa ibayong dagat.

Ayon sa poll body, ang internet voting test run ay parte ng exploratory study ng internet-based technologies para sa posibleng paggamit ng internet voting.