-- Advertisements --

Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagpanaw ng tinaguriang internet sensation na si Marnie The Dog sa edad na 18-anyos.

Ang nasabing balita ay inanunsyo ng mga social media accounts ni Marnie nitong Linggo ng umaga.

“It is with much grief I share the news that Marnie passed away painlessly and peacefully in my home on Thursday afternoon at the age of 18,” pahayag ng amo ni Marnie na si Shirley Braha.

Ayon kay Braha, bagama’t nalulungkot siya sa pagpanaw ng kanyang alaga, malaki naman ang kanyang pasasalamat na dumating sa kanyang buhay si Marnie.

“I’m grateful to the universe for entrusting me with her beautiful soul and providing me with the perfect best friend and companion,” saad ni Braha.

“And I’m thankful for all the human and dog friends Marnie and I made along the way, and the strangers on the streets and on the internet, who have shown us so much love.”

Nakatakdang ilibing si Marnie sa isang pet cemetery sa Los Angeles, USA.

“Marnie will be buried in a pet cemetery in LA and hopefully there will be a public memorial gathering whenever safe (due to Coronavirus).”

Nakatipon ng mahigit 1.8-milyong followers si Marnie sa Instagram, at naging poster pet din para sa pag-ampon sa mga senior animals.

Noong 2012 nang i-adopt ni Braha si Marnie mula sa isang shelter sa Connecticut.

https://www.instagram.com/p/B9ciuMYHEMG/?utm_source=ig_embed