-- Advertisements --
Sinuspendi ng International Olympic Committee ang Russian Olympic Committee.
Kasunod ito sa pagkilala ng Russian Olympic Committee na bahagi nila ang apat na lugar na inangkin nila mula Ukraine.
Ang mga lugar na inangkin ng Russia ay ang Luhanks, Donetsk, Kherson at Zaporizhzhia.
Magpupulong pa sa susunod na linggo ang IOC kung tuluyang pagbawalan ang Russia na makalahok sa 2024 Paris Olympics.