-- Advertisements --
image 429

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang international community sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers Secertary Susan “toots” Ople na kanilang inilarawan bilang kampeon ng labor rights at mga manggagawa Pilipino sa ibayong dagat.

Kabilang sa mga unang nagpahayag ng pakikidalamhati sa pamilya Ople maging sa mamayang Pilipino ay ang mga ambassadors ng Canada, US, UK, Japan, Germany, New Zeland, Ireland at European Union.

Nagpahayag ng pagkagulat si Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman at nalungot nang malaman ang pagpanaw ng kalihim at umaasang ang alaala ng opisyal sa kaniyang dedikadong pagseserbisyo nawa’y maging biyaya sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Inilarawan naman ng Canadian Embassy sa maynila ang yumaong kalihim bilang mahalagang partnes sa pagpapalago ng iisang layunin ng canada at PH at isang advocate laban sa trafficking-in-perosns.

Mananatili namang inspirasyon ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson ang naging ambag ni ople sa humanitarian work na nagawaran ng US State deparment 2023 Trafficking in Person heroes Award.

Nagpaabot din ng buong pusong pakikiramay si Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko sa pamilya ni Ople at buong DMW community at inilarawan bilang walang kapagurang advocate para sa kapakanan ng OFW, at nawa’y manatiling inspirasyon ang kaniyang iniwang legasiya.