-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lalo pang lumubo ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) na nagpositibo sa Coronavirus diseas 2019 (COVID-19) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 6.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jail Superintendent Gilbert Peremne, assistant director for administration ng BJMP sa Western Visayas, sinabi na nasa 111 na mga PDL na ang infected ng virus.

Sa nasabing bilang, 61 ang active cases, 47 na ang naka-recover habang tatlo ang namatay.

Ayon kay Peremne, sa tatlong mga namatay, dalawa ang mula sa Bacolod City at isa naman ay sa Lungsod ng Iloilo.

Sa mga personnel naman ng BJMP, 51 ang kabuuang bilang ng infected at 35 na ang naka-recover at walang narecord na namatay.