-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinimulan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP–11) ang kanilang imbestigasyon patungkol sa sinapit ng pumanaw na isang bilanggo sa Davao City jail dormitory.

Sinasabing biglang nawalan lamang ng malay ang biktima na nakilalang si Jerry Nick Maño, 28-anyos , residente ng Barangay 31-2 Bolton, Davao City.

Isinugod pa ang biktima sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ngunit ideklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Una nang inihayag ni Jail Chief Superintendent Leo Baldon, regional director sa Jail Bureau-11, na bukas sila kung may independent investigation patungkol sa sinapit ng biktima.