-- Advertisements --
Umabot ang inflation rate sa Pilipinas sa 8.1 percent noong Disyembre, kung saan mas mabilis kaysa sa 8 percent noong buwan ng Nobyembre at 3.1 percent naman sa parehong buwan noong taong 2021.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), dinala ng inflation noong buwan ng Disyembre ang buong taon na average ng bansa sa 5.8 na porsiyento, na tumugon sa percent assumption na itinakda ng interagency Development Budget Coordination Committee.
Gayunpaman, ang 2022 inflation rate ay mas mataas sa target range ng gobyerno na 2.0 hanggang 4.0 percent para sa nakaraang taon at 3.9 na porsiyento noong 2021.
Sa ngayon, patuloy pa din kasi ang nararanasan nating inflation na nakakaapekto sa lahat ng aspeto ng ekonomiya ng ating bansa.