-- Advertisements --

Bumaba ang infaltion sa karamahan ng mga bansa sa Asya dulot ‘yan ng pagbaba ng presyo ng pagkain at langis at ang paglakas ng local money ng ilan laban sa dolyar.

Dahil dito, nagkaroon ng mas maraming pagkakataon ang mga central bank na tugunan ang kanilang mga ekonomiya na umaasa sa kalakalan, habang nagpapatuloy ang epekto ng mga posibleng tariff sunction ng Estados Unidos.

Ayon sa mga ekonomista, ang consumer price index (CPI) ng mga bansa sa rehiyon, maliban sa Japan, ay bumaba sa 1.5% noong Abril, ang pinakamababang antas mula noong unang bahagi ng 2021.

Ang pagbaba ng inflation ay nagbigay-daan sa mga central bank sa rehiyon na magpatupad ng mas maluwag na polisiya, tulad ng mga rate cut sa India at Australia.

Sa India, binawasan ng Reserve Bank of India ang interest rate nito sa 50 basis points, habang ang central bank ng Australia ay nagpatupad ng isang rate cut upang matulungan ang ekonomiya. Ang Bank of Japan naman ay nagbigay ng pahayag na malayo pa sa target ang inflation ng bansa, kaya malabong magtaas ng interest rates sa mga susunod na buwan.

Samantala sa Timog-Silangang Asya, inaasahan ang recession sa Singapore at Thailand dahil sa epekto ng mga taripa ng US. Kaya naman, maraming ekonomista ang nagbaba ng forecast sa paglago ng ekonomiya ng rehiyon.

Gayunpaman, ang patuloy na banta ng US tariffs ay nananatiling isang malaking salik sa hinaharap ng mga ekonomiya sa Asya, dahil malaki ang epekto nito sa global inflation at trade dynamics.