-- Advertisements --
image 261

Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nasa downward trajectory ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa ating bansa.

Sinabi din ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kumpiyansa siya na maaaring bumagal ang inflation sa 4% sa katapusan ng taon.

Aktibong nakabantay din ang ahensiya sa sitwasyon at pagpapatupad ng kaukulang mga hakbang upang sa gayon pagsapit ng katapusan ng 2023, maaabot ang target na inflation na 3.5% hanggang 4%.

Matatandaan na bahagyang bumagal ang buwanang inflation noong Marso sa 7.6% matapos na lumobo sa 14 year high na 8.7% noong Enero.

Samantala, iniulat din ng NEDA chief na on track ang ating bansa tungo sa pagkamit sa target na 6% hanggang 7% na gross domestic product (GDP) growth ngayong taon.