BUTUAN CITY – Tumaas sa 8.1 porsiento ang inflation rate ng Caraga Region sa Enero nitong taon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Rosalinda Apura, regional director ng Philippine Statistics Authority o PSA-Caraga, ito ay mas mataas kung ikukumpara nitong Disyembre 2022 na nasa 7.4 porsiento lamang habang halos doble naman ang pagtaas kung ikumpara noong Enero ng nakalipas na taon na nasa 4.3 porsiento lamang.
Dagdag pa ni Apura, nagiging major contributor at main source sa nasabing inflation rate ang food and non-alcoholic beverages particular na ang mga gulay.
Pumangalawa naman ang housing, water, electricity, gas at iba pang fuel.
Ngunit ayon sa opisyal, ang naitalang inflation rate sa Caraga nitong Enero ay mas mababa pa rin kung ikukumpara sa national level na nasa 8.7- porsiento sa nasabi ring buwan.