-- Advertisements --
image 48

Lalong bumilis ang inflation rate sa buwan ng Setyembre dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, partikular na ang bigas, gayundin ang mas mabilis na paglaki ng mga gastos sa transportasyon sa gitna ng mas mataas na presyo ng gasolina.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation o ang rate ng pagtaas ng mga presyo ng mga consumer goods and services ay umabot sa 6.1% noong nakaraang buwan, mas mabilis kaysa sa 5.3% rate na naitala noong Agosto.

Aniya, ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Setyembre 2023 kaysa noong Agosto 2023 ay mas mabilis na tumaas ang presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.

Ang index ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay naitala ang inflation print na 9.7%, mas mabilis kaysa sa 8.1% rate noong Agosto, at isang bahagi ng 84.4% sa kabuuang pagtaas.

Giit pa ni Mapa na isang salik din ng mabilis na inflation ay ang mga presyo ng cereal products.

Sa kabila ng mga development na nabanggit, nagpaalala ang PSA na asahan pa rin ang paglalaro ng mga presyo ng bilihin sa bansa.