-- Advertisements --
Nabawasan ang inflation ng bansa noong Disyembre na umabot sa 3.6 percent.
Ayon sa National Statistics Authority (NSA) ito na ang pinakamababang level noong 2021 dahil sa mabagal na paggalaw ng mga bilihin.
Kung ikukumpara kasi noong Nobyembre ay umabot sa 4.2 percent ang inflation subalit ito pasok sa target na 2 hanggang 4 percent at ang pagtaya rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 3.5 hanggang 4.3 percent.
Sinabi naman ni National Statistician Dennis Mapa na ang average inflation ng taong 2021 ay 4.5 percent.
Isa kasi sa dahilan ay ang presyo ng mga gulay, isda at bigas ay tumaas pero sa mabagal na hakbang noong Disyembre.
Inamin din ni Mapa na mayroong naging epekto sa inflation ang nagdaang bagyong Odette.










