Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na makakabawi na ang industriya ng turismo sa bansa.
Kasunod ito ng pagdagdag sa mga negosyong bubuksan sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Ayon sa DOT na ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) sa pagpayag sa mga sinehan at ilang tourist attraction sa mga GCQ areas sa limitadong kapasidad ay siyang bubuhay sa tourism industry.
Magugunitang mula ng ipatupad ang mahigpit na lockdown noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic ay maraming mga negosyo ang nagsara.
Nauna ng pinayagan ng IATF ang pagbubukas ng mga negosyo gaya ng sinehan, driving schools, video and interactive-game arcades, libraries, archives, museums, cultural centers, meetings, incentives, conference, exhibitions, ilang social events ng mga negosyong accredited ng DOT, ilang tourist attractions gaya ng parks, theme parks, natural sites at historical landmarks.










