-- Advertisements --
image 107

Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na nagkaroon ng malubhang epekto sa industriya ng turismo ang insidente ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, kabilang din sa apektado ang kabuhayan ng komunidad, mga negosyo na dependent sa turismo at recreational activities.

Saad pa ni Frasco na ang scuba diving, beach at cruise tourism ay nakadepende sa coastal resources ng rehiyon at ito rin ang major tourism products ng naturang lugar.

Kapag hindi aniya maagapan, magkakaroon ito ng adverse impacts sa world-class dive destinations sa Pilipinas partikular na sa Verde Island passage, Apo reef sa Mindoro, Coron’s World War II Wrecks at Philippine Dugong.

Iniulat din ng Tourism offficial na naapektuhan na rin ng oil spill ang ilang Marine Protected Areas sa bayan ng Pola sa Oriental Mindoro kabilang ang KingFisher Reserve, St. John the Baptist Marine Sanctuary, Song of the Sea Fish Sanctuary, Stella Mariz Fish Sanctuary, Bacawan Fish Sanctuary, St. Peter the Rock Fish Sanctuary, at San Isidro Labrador Fish Sanctuary.

Ilang beach resorts na din ang apektado gaya ng Bihiya Beach, 3 Cottage, Long Beach K. I, Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort, at Buhay na Tubig White Beach Resort sa Oriental Mindoro.

Kaugnay nito, sinimulan na ng mga lokal na pamahalaan kasama ang Philippine Coast Guard na magsagawa ng clean-ups sa tulong na rin ng pribadong sektor.

Isinasagawa na rin ang coastal clean-up samga apektdong lugar bilang agarang solusyon para maiwasan ang lalo pang pinsala dulot ng oil spill.