-- Advertisements --
Nakatakdang ikasal sa pang-88 beses ang 61-anyos na lalaki mula sa Indonesia.
Si Kaan na tinaguriang ‘Playboy King’ ng Indonesia ay ikakasal muli sa dati niyang asawa na kaniyang ikinasal noong pang-86.
Isa siyang magsasaka sa bayan ng Majalengka ng Java kung saan sinabi nito na hindi niya matanggihan ang dating asawa nito na bumalik sa kaniya.
Base sa ulat na ang unang kasal niya ay nagtagal lamang ng isang buwan.
Unang ikinasal si Kaan noong ito ay 14-anyos pa lamang pero nagtagal lamang ito ng dalawang taon.
Dahil sa kaniyang mahinang ugali kaya humiling ang unang asawa nito na maghiwalay na sila.
Matapos noon ay sumailalim siya sa spiritual help at doon na lamang nagkandarapa ang mga babae sa kaniya.