-- Advertisements --

NAGA CITY- Narekober ng mga otoridad ang isang kalibre .45 na baril sa Ogtoc Beach, Brgy. Buenasuerte, Ragay, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na una nang nakatanggap ng report ang Ragay PNP tungkol sa isang pasahero na sakay ng bangka na patungo sa Brgy. San Rafael ang nagpaputok ng baril.

Agad namang rumesponde ang kapulisan katuwang ang 9-IB Philippine Army at inabangan ang mga ito sa baybayin.

Ngunit pagdating ng nasabing suspek, bigo ang mga otoridad na makumpiska ang ginamit na baril.

Kaugnay nito ay agad na nagsagawa ang mga otoridad ng search operation sa baybayin ng karagatan at doon natagpuan ang baril at magazine na may lamang pitong bala.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga narekober na kagamitan para sa karampatang diposisyon.