-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay na nang matagpuan ang isang Indian National matapos pinaghihinalaang nagpakamatay ito sa loob mismo ng kanyang apartment sa Purok 3, Durian West Brgy. San Miguel Tagum City.

Kinilala ang biktima na si alyas Samsher, 27 anyos, residente sa nasabing lugar.

Base sa report ng kapulisan, nadiskubrehan ang bangkay ng biktima ng kanyang kaibigan na si Alyas “Jagdeep” sa loob ng kanyang apartment na wala ng buhay at nakabitin gamit ang isang plastic twine na nakatali sa kanyang liig.

Ayon sa pamilya ng biktima, nakaranas umano ito ng depression matapos na malugi ang kanyang negosyo sa lungsod ng Tagum na syang kanilang pinaghihinalaang rason ng pagpapakamatay nito.

Sa ginawang imbestigasyon ng kapulisan, wala umanong nakitang foul play sa pagkamatay nito.