-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang music composer ng India na si Bappi Lahiri sa edad 69.

Sumikat si Lahiri sa kaniyang mga groovy disco tunes at eye-catching fashion styles.

Noong nakaraang Abril 2021 ay gumaling na ito sa COVID-19 subalit ilang beses itong dinala sa pagamutan noong nakaraang taon.

Hindi naman na binanggit pa ng kampo nito ang tunay na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Dahil umano sa kaniyang musika ay napamahal ang India sa disco at halos buong bansa sa India ay sumasayaw sa kaniyang musika.

Ginamit rin ng ilang pelikula sa Hollywood ang mga musika na ginawa ni Lahiri.

Nanguna naman si Indian Prime Minister Narendra Modi na nagpaabot ng pakikiramay sa pumanaw na music icon.