-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Indian Foreign Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar sa susunod na linggo para palakasin pa ang kalakalan at tursimo sa bansa kabilang ang defense at maritime cooperation.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagtungo ng top diplomat ng India dito sa bansa ay ang kaniyang ikalawa ng pagbisita na magsisimula sa Marso 25 hanggang 27. Una ng bumisita ito sa Pilipinas noong Pebrero 2022.

Makikipagpulong umano ang Indian Foreign Minister kay Secretary for Foreign Affairs Enrique Manalo na nakatuon din sa food security, development, healthcare at financial technology cooperation.

Pagdating sa defense, una ng nag-alok ang Indian government ng loan sa PH para matulungan itong maisamoderno ang militar nito.

Ang India nga ang ika-15 trading partner ng PH at ika-13 naman pagdating sa export market na mayroong kabuuang bilateral trade na lagpas sa US$3 billion noong 2023.