-- Advertisements --

Kinansela ng India ang pagbibigay ng visa services sa mga Canadian citizens dahil umano sa banta ng seguridad sa mga diplomats nila na nasa Canada.

Isa lamang itong hakbang sa tumataas na tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Inakusahan kasi ng Canada ang India na ito ang nasa likod ng pagpatay sa Sikh separatist activist na nasa kanilang bansa.

Paliwanag ng Indian Ministry of External Affairs na hanggang hindi humuhupa ang banta sa Canada ay hindi nila ito tatanggalin.