Tiniyak ni incoming Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr. na ipagpapatuloy nito ang pagprotekta sa soberanya ng Pilipinas sa ilalim ng kaniyang liderato.
Sisiguruduhin ng AFP retired General ang pagpapatupad ng kautusan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na walang isusuko ni isang teritoryo ng bansa.
Kabilang aniya sa prayoridad ng DND ang proteksyon sa soberanya ng bansa, paggalang sa karapatang pantao at international humanitarian law at ang solusyon sa puno’t dulo ng internal conflict.
Ayon kay Faustino na gaya ng iniatas ni President-elect Marcos Jr, ipagpapatuloy din nito ang engagement ng Pilipinas sa regional neighbors habang pinorotektahan ang ating teritoryo.
Maaalala na idineklara ng China ng massive territorial claims nito sa pinagtatalunang West Philippine Sea.
Samantala, sa papasok na adminsitrasyon tututukan din ng DND ang usapin may kinalaman sa climate change, natural disasters, terrorism, law enforcement support against criminality at illegal drugs, cyber security, at local communist armed conflict.
Ipagpapatuloy aniya ang peace agreements ng DND sa dating rebel groups na Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF)










