-- Advertisements --

Inihain sa Senado ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Bill No. 1919 o “Bantay Dagat Welfare and Incentives Act” na magbibigay incentives at benepisyo sa “Bantay Dagat” volunteers.

Ang naturang panukala ay magiging daan upang magkaroon ng insurance, PhilHealth covergae, hazard allowance, subsistence allowance, training at career enrichment programs ang mga indibidwal na kasali sa naturang grupo.

Ayon kay Hontiveros, ang fisherfolk communites ang pinaka-unang naaapektuhan dahil sa climate change, pati na rin ng mga negatibong epekto nito sa kalikasan.

Mas nagiging dahilan umano ito upang hindi lamang kilalanin ang serbisyo ng mga volunteers ngunit maging ang pagbibigay na rin ng suporta sa kanila.

Nakapaloob din sa nasabing panukala ang security of tenure sa mga sea wardens. Hindi sila maaaring tanggalin sa kanilang tungkulin kung hindi naman valid ang magiging rason, na siya namang iimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Imamandato rin nito ang lahat ng local government units (LGUs) na maglaan ng pondo para sa Bantay Dagat voluntees at kanilang operational requirements.

Sa kabila nito, hinikayat pa rin ng senador ang pamahalaan na paigtingin pa ang ginagawang modernization at defense capabilities ng bansa upang proteksyunan ang karagatan ng Pilipinas.