-- Advertisements --
Ilalapit daw sa Office of the Ombudsman ng kampo ng naarestong empleyado ng WellMed Dialysis Center ang kanilang kaso matapos maaresto ngayong araw kaugnay ng kontrobersyal na “ghost treatments.”
Ayon kay Atty. Harry Roque, sisikapin nila na gawing state witness sina Liezel De Leon at Edwin Roberto na nagsiwalat ng maanomalyang paggamit umano ng naturang dialysis center sa benepisyo ng PhilHealth members.
Nahaharap sa kasong estafa through falsification of documents ang dalawa.
Nitong Huwebes nang arestuhin sina De Leon at Roberto matapos iutos ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34.
Naniniwala si Roque na mapapababa ang kaso ng dalawa sa malversation kapag Ombudsman na ang humawak nito.